Sekreto ng Matagumpay na Pamilya
Nababalitaan natin ang tungkol sa mga pamilyang nagkakawatak-watak. Pero ano kaya ang sekreto ng matagumpay na mga pamilya?
Sa pagitan ng 1990 at 2015 sa United States, dumoble ang divorce rate ng mga mahigit 50 anyos at triple naman sa mga mahigit 65 anyos.
Nalilito ang mga magulang: Ipinapayo ng mga eksperto na laging purihin ang mga anak, pero sinasabi naman ng iba na maging istrikto sa mga ito.
Ang mga kabataan ay nagiging adulto pero wala silang mga skill na kailangan para magtagumpay.
May ilang mag-asawa na pinagtitiisan na lang ang isa’t isa dahil takót sila sa sasabihin ng iba kapag naghiwalay sila. Pero mas maganda kung ang commitment ay dahil sa pag-ibig at paggalang.
SIMULAIN SA BIBLIYA: “Hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang [asawang babae].”—1 Corinto 7:11.
“Kung committed ka sa pagsasama ninyo, magpaparaya ka. Magiging madali sa ’yo ang magpatawad at humingi ng tawad. At kahit may mga problema, hindi mo hahayaang mauwi ito sa paghihiwalay.”—Micah.
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA
Kapag nagkaproblema, baka isipin ng mga mag-asawang walang commitment, ‘Hindi talaga kami para sa isa’t isa’ at maghahanap sila ng butas para makalaya sa kanilang pagsasama.
“Marami ang nag-aasawa dahil iniisip nila na may ‘back-up plan’ naman sila—divorce. Kung nasa isip na ng isa ang pakikipag-divorce bago pa siya mag-asawa, sa simula pa lang ay wala na siyang commitment.”—Jean.
ANG PUWEDE MONG GAWIN
SURIIN ANG SARILI MO
Kapag nagkakaproblema . . .
Pinagsisisihan mo ba na siya ang pinakasalan mo?
Nangangarap ka bang makasama ang iba?
Nasasabi mo ba ang gaya ng, “Iiwan na kita” o “Maghahanap ako ng ibang magmamahal sa akin”?
Kung sumagot ka ng oo sa isa o higit pang tanong, panahon na para patibayin mo ang commitment mo sa pagsasama ninyo.
PAG-USAPAN NINYONG MAG-ASAWA
Humihina na ba ang commitment natin sa isa’t isa? Kung oo, bakit?
Ano ang puwede nating gawin para tumibay ang commitment natin sa isa’t isa?
MGA TIP
Paminsan-minsan, magsulat ng maikling love letter sa asawa mo
Ipakitang committed ka sa asawa mo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga picture niya sa desk mo sa trabaho
Tawagan siya araw-araw kapag nasa trabaho ka o kapag magkalayo kayo
SIMULAIN SA BIBLIYA: “Ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”—Mateo 19:6.
Ang pag-aasawa ay puwedeng maging kasiya-siya at panghabambuhay na pagsasama.
Puwedeng disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak nang may pagmamahal.
Puwedeng magkaroon ang mga kabataan ng mga skill na kailangan nila sa pagiging adulto.
Comments