Skip to main content

Ano ang Ating Kinabukasan?

BAKIT KAILANGANG MALAMAN ANG SAGOT? Ang iniisip ng isang tao sa kaniyang kinabukasan ay nakaaapekto sa kaniyang ikinikilos sa kasalukuyan. Halimbawa, baka ganito ang maging opinyon ng mga taong walang hinihintay na kinabukasan: “Kumain tayo at uminom, sapagkat bukas ay mamamatay tayo.” (1 Corinto 15:32) Ang ganitong kaisipan ay kadalasang humahantong sa labis na pagkain, paglalasing, at kabalisahan​—hindi sa tunay na kapayapaan ng isip.

Sabihin pa, kung ipauubaya ang lahat sa kamay ng tao, magiging malabo ang ating kinabukasan. Napakalubha na ng polusyon sa hangin, tubig, at lupa sa ngayon. Patindi nang patindi ang banta ng nuklear na digmaan at terorismo. Bilyun-bilyon sa buong daigdig ang nagkakasakit at naghihirap. Pero may magagandang dahilan tayo para manabik sa kinabukasan.

Bagaman hindi mahulaan ng mga tao ang eksaktong mangyayari sa hinaharap, inilalarawan ng Diyos na Jehova ang kaniyang sarili bilang “ang Isa na nagsasabi ng wakas mula pa sa pasimula, at ng mga bagay na hindi pa nagagawa mula pa noong sinaunang panahon.” (Isaias 46:10) Ano ang sinasabi ni Jehova tungkol sa ating kinabukasan?

Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya

Hindi hahayaan ni Jehova na tuluyang masira ang lupa o ang buhay na naroroon. Sa katunayan, nangangako ang Bibliya na ‘ipapahamak ng Diyos yaong mga nagpapahamak sa lupa.’ (Apocalipsis 11:18) Sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian, o makalangit na pamahalaan, wawakasan ni Jehova ang kasamaan sa lupa at isasakatuparan ang kaniyang orihinal na layunin. (Genesis 1:26-31; 2:8, 9; Mateo 6:9, 10) Ipinakikita sa atin ng sumusunod na mga talata sa Bibliya kung ano ang malapit nang maranasan ng bawat tao sa lupa.

Awit 46:8, 9“Halikayo, masdan ninyo ang mga gawa ni Jehova, kung paano siya nagsagawa ng kagila-gilalas na mga pangyayari sa lupa. Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa. Ang busog ay binabali niya at pinagpuputul-putol ang sibat; ang mga karwahe ay sinusunog niya sa apoy.”

Isaias 35:5, 6“Sa panahong iyon ay madidilat ang mga mata ng mga bulag, at ang mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan. Sa panahong iyon ay aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa, at ang dila ng pipi ay hihiyaw sa katuwaan. Sapagkat sa ilang ay bubukal ang tubig, at ang mga ilog sa disyertong kapatagan.”

Isaias 65:21, 22“Tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon; at tiyak na magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang bunga ng mga iyon. Hindi sila magtatayo at iba ang maninirahan; hindi sila magtatanim at iba ang kakain.”

Daniel 2:44“Magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian ay hindi isasalin sa iba pang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.”

Juan 5:28, 29“Ang oras ay dumarating na ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng tinig [ni Jesus] at lalabas.”

Apocalipsis 21:3, 4“Ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”

Kung Paano Nagdudulot ng Tunay na Kapayapaan ng Isip ang Sagot ng Bibliya

Sa unang tingin, parang mahirap paniwalaan ang mga nabanggit na kalagayan. Pero Diyos ang nangangako nito, hindi tao. At “hindi makapagsisinungaling” ang Diyos na Jehova.​—Tito 1:2.

Kung magtitiwala ka sa mga pangako ng Diyos at mamumuhay ayon sa kaniyang mga batas, mapananatili mo ang kapayapaan ng isip sa kabila ng pinakamahihirap na kalagayan. Digmaan, kahirapan, pagkakasakit, at maging ang mga problemang kaakibat ng pagtanda o ng kamatayan​—walang isa man sa mga ito ang tuluyang makaaagaw ng iyong kapayapaan. Bakit? Dahil kahit nararanasan mo ang mga ito, makapagtitiwala ka na papawiin ng Kaharian ng Diyos ang epekto ng lahat ng paghihirap na ito.

Paano ka magkakaroon ng gayong pag-asa sa kinabukasan? Kailangan mong ‘baguhin ang iyong pag-iisip’ at patunayan sa iyong sarili “ang mabuti at kaayaaya at sakdal na kalooban ng Diyos.” (Roma 12:2) Baka kailangan mo ng higit pang katibayan na mapagkakatiwalaan nga ang mga pangako ng Bibliya. Sulit ang gayong pagsisiyasat. Sa ilang bagay lamang na gagawin mo sa iyong buhay, magkakaroon ka na ng higit na kapayapaan ng isip.

Comments

Popular posts from this blog

https://allgodsrule.blogspot.com/2020/06/ways-to-improve-your-health.html

What is sexting? “Sexting” is the practice of sending sexually explicit texts, photos, or videos via cell phone. “It’s almost the normal order of operation now,” says one man. “You text back and forth and pretty soon you’re exchanging hot photos.” Why do people do it? The way some teenagers see it, “having a naked picture of your significant other on your cellphone is an advertisement that you’re sexually active,” says a senior deputy prosecuting attorney quoted in  The New York Times.  “It’s an electronic hickey.” One teenager even calls it a form of “safe sex.” After all, she says, “you can’t get pregnant from it and you can’t transmit S.T.D.’s.” Other reasons teenagers sext include the following: To flirt with someone they hope to be in a relationship with. Because someone has already sent them an explicit photo and they feel pressured to ‘return the favor.’   What are the consequences of sexting? Once you send a photo via cell phone, you no longer own it, nor can you control how it

kwento sa bibles /story af bibles I English/tagalog

ALL the good things we have come from God. He made the sun to give us light by day, and the moon and stars so we can have some light at night. And God made the earth for us to live on. But the sun, the moon, the stars and the earth were not the first things God made. Do you know what was the first? God first made persons like himself. We can’t see these persons, just as we can’t see God. In the Bible these persons are called angels. God made the angels to live with himself in heaven. The first angel God made was very special. He was God’s first Son, and he worked with his Father. He helped God to make all other things. He helped God to make the sun, the moon, the stars and also our earth. What was the earth like then? In the beginning no one could live on earth. There was nothing but one big ocean of water all over the land. But God wanted people to live on earth. So he began to get things ready for us. What did he do? Well, first the earth needed light. So God made the lig

Sekreto ng Matagumpay na Pamilya

Sekreto ng Matagumpay na Pamilya Nababalitaan natin ang tungkol sa mga pamilyang nagkakawatak-watak. Pero ano kaya ang sekreto ng matagumpay na mga pamilya? Sa pagitan ng 1990 at 2015 sa United States, dumoble ang divorce rate ng mga mahigit 50 anyos at triple naman sa mga mahigit 65 anyos. Nalilito ang mga magulang: Ipinapayo ng mga eksperto na laging purihin ang mga anak, pero sinasabi naman ng iba na maging istrikto sa mga ito. Ang mga kabataan ay nagiging adulto pero wala silang mga skill na kailangan para magtagumpay. May ilang mag-asawa na pinagtitiisan na lang ang isa’t isa dahil takót sila sa sasabihin ng iba kapag naghiwalay sila. Pero mas maganda kung ang commitment ay dahil sa pag-ibig at paggalang. SIMULAIN SA BIBLIYA: “Hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang [asawang babae].”— 1 Corinto 7:11 . “Kung committed ka sa pagsasama ninyo, magpaparaya ka. Magiging madali sa ’yo ang magpatawad at humingi ng tawad. At kahit may mga problema, hindi mo hahayaang mauwi ito sa p