Skip to main content

Magkaibigan o Nagkakáibigán?—Bahagi 1

Magkaibigan Anong mga Senyales ang Natatanggap Ko?

Nagkakagusto ka na sa isang hindi mo kasekso, at sigurado kang gusto ka rin niya. Kung sa bagay, lagi kayong magka-text, magkasama sa mga gathering . . . , at talagang nakakakilig ang ilang mensaheng natatanggap mo mula sa kaniya!

Kaya para matiyak mo kung pareho kayo ng nararamdaman, tinanong mo siya kung ano ba talaga kayo. Ang sagot niya? “Magkaibigan

 Ang pakiramdam nito

“Galít na galít ako sa kaniya pati sa sarili ko! Araw-araw kaming magka-text, at ipinapakita niyang may gusto siya sa ’kin. Siyempre, nagkagusto rin ako sa kaniya.”—Jasmine.

“Ginagawa kaming tsaperon ng isang magkasintahan. Kung minsan nga, parang double date na ang nangyayari. Lagi kaming magkausap, at naging magka-text kami. Kaya hindi ko matanggap nang sabihin niyang magkaibigan lang kami at may iba pala siyang nagugustuhan.”—Richard.

“Araw-araw akong tine-text ng isang lalaki, at kung minsan, pareho kaming ‘nagpapa-cute.’ Pero nang sabihin ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, tumawa siya at sinabi, ‘Ayoko pang magka-girlfriend!’ Matagal ko ring iniyakan ’yon.”—Tamara.

Tandaan: Kapag iniisip mong nagkakagustuhan na kayo tapos nalaman mong ikaw lang pala ang may gusto, natural lang na magalit ka, mapahiya, at makadamang niloko ka. “Ang sama-samâ ng loob ko nang mangyari sa akin ’yon, at talagang nasaktan ako,” ang sabi ng kabataang si Steven. “Matagal din bago ako nagtiwala ulit sa iba.”

 Bakit ito nangyayari?

Dahil sa text at social media, madali kang nagkakagusto sa isa na wala naman palang gusto sa iyo. Tingnan ang sinasabi ng ilang kabataan.

“May magte-text sa iyo para lang magpalipas ng oras, pero baka isipin mong senyales iyon na gusto ka niya. At kapag tine-text ka niya araw-araw, baka isipin mong talagang mahalaga ka sa kaniya.”—Jennifer.

“Baka y’ong isa, gusto nang magkaroon ng kasintahan; pero y’ong isa naman, gusto lang ng kausap para mas maging confident siya.”—James.

“Ang isang simpleng text na ‘good night’ ay puwedeng bigyan ng kahulugan, pero wala naman talagang ibig sabihin.”—Hailey.

“Ang smiley face ay maaaring ipinadala mo nang wala ka namang ibig sabihin o puwede ring nagpapa-cute ka. Kung minsan, iniisip ng pinadalhan mo na nagpapa-cute ka.”—Alicia.

Tandaan: Hindi komo binigyan ka ng atensiyon ng isang tao, may gusto na siya sa iyo.

Madaling sabihin pero mahirap gawin, ’di ba? Sabi nga ng Bibliya: “Ang puso ay higit na mapandaya kaysa anupamang bagay at mapanganib.” (Jeremias 17:9) Baka maengganyo ka nitong mag-ilusyon na “kayo na” pero hindi pala.

 Ang magagawa mo

  • Buksan ang isip. Tingnan mo muna kung ano talaga kayo. Tanungin ang sarili, ‘May matitibay ba akong dahilan para isiping espesyal ako sa kaniya?’ Huwag mong hayaang matalo ng emosyon ang iyong “kakayahan sa pangangatuwiran.”—Roma 12:1.

  • Maging matalino. Kung may nakita kang mga senyales na may gusto siya sa iyo, tingnan mo rin ang mga senyales na magbibigay ng dahilan para magduda ka. Huwag mong isipin na dahil may gusto ka sa isang tao, may gusto na rin siya sa iyo.

  • Maghintay. Hangga’t hindi direktang sinasabi sa iyo na gusto ka niya, huwag masyadong umasa dahil masasaktan ka lang.

  • Maging tapat. Sinasabi ng Bibliya na may “panahon ng pagsasalita.” (Eclesiastes 3:7) Para malaman mo kung higit pa sa kaibigan ang tingin sa iyo ng isang tao, kausapin mo siya. “Kung hindi kayo parehas ng nararamdaman,” ang sabi ng kabataang si Valerie, “mas magandang masaktan ka na ngayon kaysa patagalin mo pa bago ka magising sa katotohanang wala pala siyang gusto sa iyo.”

Tandaan: “Ingatan mo ang iyong puso,” ang sabi sa Kawikaan 4:23. Kung nagkakagusto ka sa isang tao, alamin kung may gusto rin siya sa iyo. Kapag hinayaan mong tuluyang mahulog ang loob mo nang hindi muna inaalam ang nararamdaman niya, parang pinipilit mong patubuin sa matigas na bato ang isang halaman.

Kapag nalaman mong may gusto rin siya sa iyo—at kung nasa edad ka na at handa nang magkaroon ng kasintahan—nasa iyo na kung gusto mong manligaw o magpaligaw. Tandaan, ang matibay na pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang taong parehong malapít sa Diyos, nakapagsasabi ng kanilang niloloob, at tapat sa isa’t isa. (1 Corinto 7:39) Sa katunayan, siguradong nagsimula sila bilang mabuting magkaibigan—at patuloy na magiging magkaibigan.—Kawikaan 5:18.

Comments

Popular posts from this blog

https://allgodsrule.blogspot.com/2020/06/ways-to-improve-your-health.html

What is sexting? “Sexting” is the practice of sending sexually explicit texts, photos, or videos via cell phone. “It’s almost the normal order of operation now,” says one man. “You text back and forth and pretty soon you’re exchanging hot photos.” Why do people do it? The way some teenagers see it, “having a naked picture of your significant other on your cellphone is an advertisement that you’re sexually active,” says a senior deputy prosecuting attorney quoted in  The New York Times.  “It’s an electronic hickey.” One teenager even calls it a form of “safe sex.” After all, she says, “you can’t get pregnant from it and you can’t transmit S.T.D.’s.” Other reasons teenagers sext include the following: To flirt with someone they hope to be in a relationship with. Because someone has already sent them an explicit photo and they feel pressured to ‘return the favor.’   What are the consequences of sexting? Once you send a photo via cell phone, you no longer own it, nor can you ...

What Is the Sign of “the Last Days,” or “End Times”?

The Bible’s answer The Bible describes events and conditions that would mark “the conclusion of the [current] system of things,” or “the end of the world.” ( Matthew 24:3 ;  King James Version ) The Bible calls this time period “the last days” and the “time of the end,” or “end times.” ( 2 Timothy 3:1;  Daniel 8:​19 ;  Easy-to-Read Version ) The following are some outstanding features of last-days, or end-times, prophecies: War on a large scale.​— Matthew 24:7; Revelation 6:4 . Famine.​— Matthew 24:7;  Revelation 6:​5, 6 . Great earthquakes.​— Luke 21:11 . Pestilences, or epidemics of “terrible diseases.”​— Luke 21:11 ,  Contemporary English Version. Increase of crime.​— Matthew 24:12 . Ruining of the earth by mankind.​— Revelation 11:18 . Deterioration of people’s attitudes, as shown by many who are “unthankful, disloyal, . . . not open to any agreement, slanderers, without self-control, fierce, without love of goodness, betrayers, head...

Manatiling Tapat sa Inyong Sumpaan Bilang Mag-asawa

Sabi ng babae:  “Napansin ko na nagiging malayo ang loob sa akin ng asawa kong si Michael, at malamig ang pakikitungo niya sa aming mga anak.   *  Nagbago siya nang magkaroon kami ng Internet, at ang suspetsa ko, tumitingin siya ng pornograpya sa computer. Isang gabi nang tulog na ang mga bata, tinanong ko siya hinggil dito at inamin niyang matagal na siyang tumitingin ng pornograpya sa Internet. Lumung-lumo ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. Nawalan ako ng tiwala sa kaniya. Ang masama pa nito, kailan lang, nagsimulang magpakita ng romantikong interes sa akin ang katrabaho ko.” Sabi ng lalaki:  “Ilang panahon na ang nakalilipas, may nakitang malaswang larawan sa aming computer ang asawa kong si Maria at tinanong niya ako hinggil dito. Nang aminin ko na lagi akong tumitingin ng pornograpya sa Internet, galit na galit siya. Hiyang-hiya ako at sising-sisi. Akala ko, maghihiwalay na kami.” ANO kaya ang nangyari sa pagsasama nina Michael at Maria?...