Skip to main content

Pagkontrol sa Labis na Katabaan ng mga Kabataan

Human Services, mula noong 1980 hanggang 2002, natriple ang bilang ng mga tin-edyer na labis ang timbang at naging mahigit doble naman ang bilang nito sa mga bata. Ang labis na katabaan ng mga bata, o “childhood obesity,” ay iniuugnay sa mga sakit na gaya ng alta presyon, diyabetis, sakit sa puso at sa mga daluyan ng dugo, at ilang uri ng kanser. *
Ang labis na katabaan ng mga bata ay maaaring kaugnay ng ilang bagay gaya ng pagiging di-aktibo, mga advertisement na dinisenyong umakit sa mga kabataan, at pagiging mura at madaling bilhin ng di-masusustansiyang pagkain. Sinabi ng U.S. Centers for Disease Control: “Ang labis na katabaan ng mga bata ay resulta ng mataas na konsumo ng kalori at pagiging di-gaanong aktibo.”
Makabubuting suriin ng mga bata, tin-edyer, at mga adulto ang kanilang kaugalian sa pagkain. Makatutulong ang ilang simpleng hakbang, pero iwasan namang magpakalabis. Kuning halimbawa si Mark, na nag-adjust ng kaniyang kaugalian sa pagkain at nakinabang nang malaki​—naging mas malusog at maligaya siya. “Dati, napakahilig ko sa junk food,” ang sabi ni Mark. Ininterbyu siya ng Gumising! para alamin kung paano siya nagbago.
Kailan nagsimula ang problema mo sa pagkain?
Pagka-graduate ko ng haiskul. Madalas akong kumain sa labas noon. May dalawang fast-food na restawran malapit sa pinagtatrabahuhan ko, at halos araw-araw akong nanananghalian sa alinman sa mga iyon. Mas maginhawa sa akin na kumain na lang sa fast food kaysa magbaon pa.
Kumusta naman nang bumukod ka na ng tirahan?
Mark
Naku, lalong lumala. Hindi ako marunong magluto, at konti lang ang pera ko; samantalang dalawang kanto lang ang layo ng paborito kong fast food. Ang daling puntahan at parang mas nakakatipid ako. ’Yon nga lang, bukod sa di-masusustansiya ang nakakain ko, napaparami pa. Hindi ako kontento sa karaniwang order lang. Umoorder ako ng ekstrang hamburger at  French fries at large na softdrink​—basta kaya ng pera ko​—kung ano ang pinakamalaking size na meron.
Bakit mo naisip magbago?
Naging conscious ako sa kalusugan ko paglampas ko ng edad 20. Sobrang taba ko kasi noon. Lagi akong nanlalata, at wala akong kumpiyansa sa sarili. Naisip kong kailangan kong baguhin ang kaugalian ko sa pagkain.
Ano ang ginawa mo para makontrol mo ang iyong pagkain?
Inunti-unti ko lang ang pagbabago. Una, binawasan ko ang dami ng kinakain ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko, “Hindi ito ang huli kong kain; mamaya, makakakain ako ulit.” Kung minsan naman, talagang kailangan kong umalis na sa mesa. Pero ang sarap ng pakiramdam ko, para kasi akong nanalo.
May malaking pagbabago ka bang ginawa?
May mga pagkain na talagang iniwasan ko na. Hindi na ’ko umiinom ng softdrinks ngayon, tubig na lang. Pero ang hirap! Mahilig kasi ako sa softdrinks, at ayoko ng tubig. Kaya sa tuwing iinom ako ng tubig, sinusundan ko ito ng konting juice para may malasahan ako. Pagtagal-tagal, mas gusto ko na ang tubig.
Ano pa ang ginawa mo bukod sa pag-iwas sa di-masusustansiyang pagkain?
Puro masustansiyang pagkain na ang kinakain ko. No’ng una, prutas muna​—mansanas, saging, strawberry, blueberry, raspberry, at melon. Tapos, idinagdag ko sa diet ko ang lean proteins, gaya ng manok o tuna. At naging paborito ko pa nga ang mga iyon. Mas maraming gulay ang kinakain ko at konti lang sa iba pang main course. Napansin ko na hindi napapasobra ang kain ko sa tanghalian at hapunan kapag masustansiya ang meryenda ko. Bandang huli, hindi na ako gaanong nasasabik sa junk food.
Hindi ka na ba talaga kumakain sa mga restawran?
Kumakain si Mark ng masustansiyang pagkain
Kumakain pa rin naman paminsan-minsan. Pero kinokontrol ko ang dami ng kinakain ko. Kapag marami ang isang serving, humihingi ako ng pan-take-out na lalagyan, at inilalagay ko roon ang kalahati bago ako kumain. Mas mabuti na iyon kaysa maparami ako ng kain. Ayoko kasi ng nagtitira ng pagkain sa plato.
Paano ka nakinabang sa ginawa mong pagbabago?
Nabawasan ang timbang ko, at mas sumigla ako. Mas may kumpiyansa ako ngayon sa sarili ko. Higit sa lahat, natutuwa ako dahil alam kong ang ginagawa kong pag-iingat sa kalusugan ay nagpaparangal sa Diyos na nagbigay ng buhay ko. (Awit 36:9) Akala ko noon, boring ang buhay kapag health-conscious ka. Pero hindi pala, at hindi ko ito ipagpapalit sa kahit anong bagay sa daigdig! *

Comments

Popular posts from this blog

https://allgodsrule.blogspot.com/2020/06/ways-to-improve-your-health.html

What is sexting? “Sexting” is the practice of sending sexually explicit texts, photos, or videos via cell phone. “It’s almost the normal order of operation now,” says one man. “You text back and forth and pretty soon you’re exchanging hot photos.” Why do people do it? The way some teenagers see it, “having a naked picture of your significant other on your cellphone is an advertisement that you’re sexually active,” says a senior deputy prosecuting attorney quoted in  The New York Times.  “It’s an electronic hickey.” One teenager even calls it a form of “safe sex.” After all, she says, “you can’t get pregnant from it and you can’t transmit S.T.D.’s.” Other reasons teenagers sext include the following: To flirt with someone they hope to be in a relationship with. Because someone has already sent them an explicit photo and they feel pressured to ‘return the favor.’   What are the consequences of sexting? Once you send a photo via cell phone, you no longer own it, nor can you control how it

kwento sa bibles /story af bibles I English/tagalog

ALL the good things we have come from God. He made the sun to give us light by day, and the moon and stars so we can have some light at night. And God made the earth for us to live on. But the sun, the moon, the stars and the earth were not the first things God made. Do you know what was the first? God first made persons like himself. We can’t see these persons, just as we can’t see God. In the Bible these persons are called angels. God made the angels to live with himself in heaven. The first angel God made was very special. He was God’s first Son, and he worked with his Father. He helped God to make all other things. He helped God to make the sun, the moon, the stars and also our earth. What was the earth like then? In the beginning no one could live on earth. There was nothing but one big ocean of water all over the land. But God wanted people to live on earth. So he began to get things ready for us. What did he do? Well, first the earth needed light. So God made the lig

Sekreto ng Matagumpay na Pamilya

Sekreto ng Matagumpay na Pamilya Nababalitaan natin ang tungkol sa mga pamilyang nagkakawatak-watak. Pero ano kaya ang sekreto ng matagumpay na mga pamilya? Sa pagitan ng 1990 at 2015 sa United States, dumoble ang divorce rate ng mga mahigit 50 anyos at triple naman sa mga mahigit 65 anyos. Nalilito ang mga magulang: Ipinapayo ng mga eksperto na laging purihin ang mga anak, pero sinasabi naman ng iba na maging istrikto sa mga ito. Ang mga kabataan ay nagiging adulto pero wala silang mga skill na kailangan para magtagumpay. May ilang mag-asawa na pinagtitiisan na lang ang isa’t isa dahil takót sila sa sasabihin ng iba kapag naghiwalay sila. Pero mas maganda kung ang commitment ay dahil sa pag-ibig at paggalang. SIMULAIN SA BIBLIYA: “Hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang [asawang babae].”— 1 Corinto 7:11 . “Kung committed ka sa pagsasama ninyo, magpaparaya ka. Magiging madali sa ’yo ang magpatawad at humingi ng tawad. At kahit may mga problema, hindi mo hahayaang mauwi ito sa p