“I had a huge crush on him, and then a couple of years later, he actually started noticing me! I liked having an older boyfriend who would watch out for me.”—Carol.
In time, both Jessica and Carol broke up with their boyfriends. Why? Were they foolish for giving up such great guys?
YOU’VE been dating for nearly a year. At first, you were sure that he was “the one.” * At times, you can even rekindle the romantic feelings that characterized the onset of your relationship. But now you’re having second thoughts. Should you ignore those thoughts? How can you know if you should break up?
First, you need to face a cold truth: Disregarding danger signs in a relationship is like ignoring the warning signals on your car’s dashboard. The problem will not go away; likely it will only get worse. What are some of the danger signs in a relationship that you would do well to heed?
Things are moving too fast. Problems can arise when a romance moves too quickly. “We were e-mailing, chatting online, talking on the phone,” Carol recalls. “Those methods of communication can be more powerful than face-to-face because you can get way more personal, way too fast!” Don’t rob yourselves of the chance to get to know each other. A relationship should not be like a weed that sprouts up fast and then withers. Rather, it should be like a precious plant that takes time to grow.
He’s critical and demeaning. “My boyfriend was always putting me down,” says a girl named Ana, “but I wanted to be with him so badly.” She adds, “I tolerated situations that I never dreamed I would have allowed!” The Bible condemns “abusive speech.” (Ephesians 4:31) Demeaning words—even if they are delivered calmly and quietly—have no place in a loving relationship.—Proverbs 12:18.
He’s got a volatile temper. “A man of discernment is cool of spirit,” says Proverbs 17:27. Erin found that her boyfriend had problems in this regard. “When we had disagreements, he would shove me,” she says, “and at times I ended up with bruises.” The Bible tells Christians: “Let all malicious bitterness and anger and wrath . . . be taken away from you.” (Ephesians 4:31) A person with little self-control is hardly ready for dating.—2 Timothy 3:1, 3, 5.
He’s secretive about our relationship. “My boyfriend didn’t want others to know that we were dating,” recalls Angela. “He was even upset when my dad found out!” Of course, there may be valid reasons for a couple to maintain a measure of privacy. But secrecy—a deliberate attempt to keep the relationship hidden from those who have a right to know about it—spells trouble.
He has no intention of marriage. Among Christians, dating has an honorable purpose—to help a young man and woman determine if they want to get married to each other. Of course, this doesn’t mean that you need to make wedding plans the moment you start dating. In fact, many people do not end up marrying the first person they date. At the same time, a person shouldn’t date if he or she isn’t ready to shoulder the responsibilities of marriage.
Our relationship is on-again, off-again. Proverbs 17:17 states: “A true companion is loving all the time.” Not that the two of you will always agree. But a relationship that constantly seesaws between breaking up and making up could indicate that something deeper needs to be addressed, as Ana came to realize. “The many times I broke up with my boyfriend brought me so much heartache!” she says. “I kept going back to fix a relationship that I would have done better without.”
He pressures me for sex. “If you love me, you’ll do it.” “We need to take our relationship to the next level.” “It’s not really sex if there’s no intercourse.” These are all manipulative lines that boys have used to pressure girls into sex. Says James 3:17: “The wisdom from above is first of all chaste.” You deserve a boyfriend who is morally clean and who respects your chaste sexual boundaries. Don’t settle for anything less!
Others have warned me about him. The Bible says: “Get all the advice you can, and you will succeed; without it you will fail.” (Proverbs 15:22, Today’s English Version) “You can’t ignore what your family and longtime friends think, any more than you can ignore those little alarm bells that ring in your head,” says Jessica. “The more you ignore what others are saying, the harder you’re making it on yourself.”
Above are just a few danger signs that could mean trouble in a relationship. * If you are dating, how does your boyfriend measure up in the areas discussed? Write below any personal concerns you may have.
․․․․․
How to Break Up
Suppose you determine that it’s best to end a relationship. How will you do so? There are a number of ways, but keep the following in mind.
Be courageous. “I had become so reliant on my boyfriend that I was afraid to leave him,” says a girl named Trina. It takes courage to speak up when a relationship needs to end. But standing up for yourself is healthy. (Proverbs 22:3) It enables you to establish firm boundaries as to what you will and what you will not tolerate in a dating relationship—and, later, in a marriage.
Be fair. If you were on the other end of the breakup, how would you want to be treated? (Matthew 7:12) Surely, your boyfriend deserves more than a brief e-mail, text message, or voice mail saying “We’re through!”
Choose the right setting. Should you talk face-to-face or over the phone? Should you write a letter or have a discussion? Much depends upon the circumstances. You should not meet in any setting where your safety would be put in jeopardy, nor would it be wise to be in an isolated area where wrong desires could be stirred.—1 Thessalonians 4:3.
Speak truthfully. Talk honestly about why you feel the relationship cannot continue. If you feel that your boyfriend has not treated you properly, say so. Stick to viewpoint statements. For example, instead of saying, “You’re always putting me down,” say, “I feel put down when you . . .”
Be willing to listen too. Is there something you’ve misunderstood about the situation? Do not allow yourself to be manipulated by clever words, but at the same time, be reasonable and consider all the facts. The Bible wisely admonishes Christians to “be swift about hearing, slow about speaking.”—James 1:19.
More articles from the “Young People Ask” series can be found at the Web site www.watchtower.org/ype
[Footnotes]
^ par. 3 Names in this article have been changed.
^ par. 6 Although this article presents matters from a girl’s perspective, the principles herein apply to both genders.
TO THINK ABOUT
▪ List below the traits you view as essential in someone you would date. ․․․․․
▪ Which traits would you consider to be unacceptable? ․․․․․
[Box on page 20]
THE PERSON YOU CHOOSE TO DATE SHOULD . . .
□ share your spiritual convictions.—1 Corinthians 7:39.
□ respect your moral boundaries.—1 Corinthians 6:18.
□ be considerate of you and of others.—Philippians 2:4.
□ have a good reputation.—Philippians 2:20.
[Box on page 20]
BEWARE IF YOUR BOYFRIEND . . .
□ always insists on getting his way.
□ constantly makes you feel guilty, stupid, or worthless.
□ tries to keep you away from your friends and family.
□ constantly checks up on your whereabouts.
□ accuses you of flirting with others when there is no basis for his doing so.
□ makes threats or gives ultimatums.
[Picture on page 19]
Disregarding danger signs in a relationship is like ignoring the warning signals on your car’s dashboard
Ang mga Kabataan ay Nagtatanong
Dapat ba Kaming Mag-break?
“Sa tatlong buwan na magkasintahan kami, ang sarap-sarap ng pakiramdam. Parang siguradung-sigurado nang kami ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay.”—Jessica.*
“Crush na crush ko siya noon pa, at makalipas ang ilang taon, napansin din niya ako! Gusto kong magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin at mag-aalaga sa akin.”—Carol.
Sa kalaunan, nagpasiya sina Jessica at Carol na makipag-break sa kanilang boyfriend. Bakit? Nakakapanghinayang ba ang ginawa nila?
HALOS isang taon na kayong magkasintahan. Sa umpisa, sigurado kang “siya na” ang gusto mong makasama habambuhay.* Kung minsan nga, kinikilig ka kapag naalaala mo kung paano kayo nagkagustuhan. Pero ngayon, nagdadalawang-isip ka na. Dapat mo bang ipagwalang-bahala ang mga pag-aalinlangang iyon? Paano mo malalaman kung dapat kayong mag-break?
Una, dapat mong harapin ang katotohanan: Ang pagwawalang-bahala sa masasamang palatandaan sa isang relasyon ay gaya ng pagwawalang-bahala sa babalang mga signal sa dashboard ng iyong sasakyan. Hindi mawawala ang problema; malamang na lumala pa nga ito. Anu-ano ang ilan sa masasamang palatandaan sa isang relasyon na mahalagang bigyan mo ng pansin?
Ang bilis ng takbo ng mga pangyayari.Puwedeng magkaroon ng problema kapag masyadong mabilis ang pagliligawan. “Magka-chat kami sa Internet, nagpapadala ng e-mail sa isa’t isa, at nag-uusap sa telepono,” ang naalaala ni Carol. “Mas matindi ang epekto ng mga pamamaraang iyon ng komunikasyon kaysa sa harapang pag-uusap, kasi mas madali ninyong masasabi ang inyong niloloob at mas mabilis na mahuhulog ang loob ninyo sa isa’t isa!” Huwag dayain ang inyong sarili—bigyan ng pagkakataon ang inyong sarili na makilala ang isa’t isa nang lubusan. Ang isang relasyon ay hindi dapat maging parang damo na mabilis tumubo at pagkatapos ay matutuyo. Sa halip, dapat na gaya ito ng isang mahalagang halaman na kailangan ng panahon para lumago.
Mapamuna siya at mapanlait. “Lagi akong minamaliit ng naging boyfriend ko,” ang sabi ng kabataang si Ana, “pero gustung-gusto ko naman siyang kasama.” Sinabi pa niya, “Hindi ko sukat-akalain na hinayaan ko siyang gawin sa akin iyon!” Hinahatulan ng Bibliya ang “mapang-abusong pananalita.” (Efeso 4:31) Ang mapanlait na mga salita—kahit pa binigkas nang mahinahon at hindi pasigaw—ay hindi dapat marinig sa dalawang taong nagmamahalan.—Kawikaan 12:18.
Sumpungin siya at madaling mag-init ang ulo.“Ang taong may kaunawaan ay malamig ang espiritu,” ang sabi ng Kawikaan 17:27. Nakita ni Erin na may problema ang boyfriend niya pagdating sa bagay na iyan. “Kapag hindi kami nagkakasundo, itinutulak niya ako,” ang sabi niya, “kaya kung minsan puro ako pasâ.” Sinasabi ng Bibliya sa mga Kristiyano: “Ang lahat ng mapait na saloobin at galit at poot . . . ay alisin mula sa inyo.” (Efeso 4:31) Ang isang taong kulang ng pagpipigil sa sarili ay hindi pa handang makipag-date.—2 Timoteo 3:1, 3, 5.
Isinisekreto niya ang aming relasyon. “Ayaw ng boyfriend ko na malaman ng iba na nagde-date kami,” ang naalaala ni Angela. “Nagalit pa nga siya nang malaman ito ng tatay ko!” Siyempre, baka naman may makatuwirang dahilan ang magkasintahan kaya gusto nila ng privacy. Pero ang pagsesekreto—ang sadyang paglilihim ng inyong relasyon sa mga taong may karapatang makaalam tungkol dito—ay malamang na mauwi sa problema.
Wala siyang planong mag-asawa. Para sa mga Kristiyano, ang pakikipag-date ay may marangal na layunin—matulungan ang isang kabataang lalaki at babae na malaman kung gusto nga nilang sila ang magkatuluyan. Siyempre, hindi naman ibig sabihin na gagawa na kayo ng mga plano sa kasal sa unang pagde-date pa lamang ninyo. Sa katunayan, hindi naman nakakatuluyan ng marami ang una nilang naging ka-date.Tandaan din na hindi dapat makipag-date ang isa kung hindi pa siya handa na gampanan ang mga pananagutan ng isang may-asawa.
Lagi kaming away-bati. Sinasabi ng Kawikaan 17:17: “Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon.” Hindi naman ibig sabihin nito na lagi kayong magkasundo. Pero kung lagi na lang kayong nagbe-break at nagbabalikan, may malalim na problemang kailangang ayusin, gaya ng napag-isip-isip ni Ana. “Napakadalas naming mag-break ng boyfriend ko kaya ang bigat-bigat ng loob ko!” ang sabi niya. “Lagi ko na lang inaayos ang isang relasyon na mas maganda sana kung wala na lang.”
Pinipilit niya akong makipag-sex. “Kung mahal mo ako, papayag ka.” “Kailangang may mangyari na sa relasyon natin.” “Hindi naman tayo aktuwal na magtatalik kaya hindi talaga ito sex.” Ganiyan ang karaniwang mga linya ng mga lalaki para mapapayag ang mga babae na makipag-sex sa kanila. Sinasabi ng Santiago 3:17: “Ang karunungan mula sa itaas una sa lahat ay malinis.” Hindi karapat-dapat sa iyo ang isang boyfriend na hindi malinis sa moral at hindi gumagalang sa iyong mga pamantayan. Huwag kang papayag sa kung sinu-sino na lang!
Binabalaan na nila ako tungkol sa kaniya.Sinasabi ng Bibliya: “Ang mga balak ay nabibigo dahil sa walang nagpapayo, ngunit magtatagumpay sila kung maraming tagapayo.” (Kawikaan 15:22, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) “Hindi mo puwedeng ipagwalang-bahala ang opinyon ng iyong pamilya at matatagal nang mga kaibigan, kung paanong hindi mo rin puwedeng ipagwalang-bahala ang mga pagdududa sa isip mo,” ang sabi ni Jessica. “Kung pilit mong ipinagwawalang-bahala ang sinasabi ng iba, lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo.”
Ang mga binanggit sa itaas ay ilan lamang sa masasamang palatandaan na hindi magiging maganda ang inyong pagsasama.* Kung may boyfriend ka, may ganito ka rin bang mga problema sa kaniya? Isulat sa ibaba ang anumang ikinababahala mo.
․․․․․
Kung Paano Makikipag-break
Paano kung nakita mo na makabubuting tapusin na ang inyong relasyon. Paano mo ito gagawin? May iba’t ibang paraan, pero mahalagang tandaan ang mga sumusunod.
Lakasan ang iyong loob. “Nakadepende na ako sa boyfriend ko kaya takót akong iwan siya,” ang sabi ng kabataang si Trina. Hindi madaling sabihin na kailangan na ninyong tapusin ang relasyon. Pero mas mabuti nang magsalita ka kaysa manahimik. (Kawikaan 22:3) Tutulong ito para makapagtakda ka ng mga pamantayan kung ano ang ipahihintulot mo at hindi ipahihintulot na gawin ng iyong kasintahan—at, sa kalaunan, ng iyong mapapangasawa.
Maging makonsiderasyon. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng iyong boyfriend, ano ang gusto mong maging pakikitungo sa iyo? (Mateo 7:12) Hindi naman talaga kabaitan na basta padalhan siya ng e-mail, text message, o voice mail na nagsasabing “Break na tayo!”
Pumili ng tamang lugar at pagkakataon.Dapat ba kayong mag-usap nang harapan o sa telepono? Dapat ka bang sumulat o kailangan kayong mag-usap? Depende iyan sa situwasyon. Hindi kayo dapat magkita sa isang lugar na magsasapanganib ng kaligtasan mo, at hindi rin katalinuhan na mag-usap kayo sa lugar na walang ibang tao kung saan maaaring mapukaw ang maling mga pagnanasa.—1 Tesalonica 4:3.
Magsabi nang tapat. Sabihin ang totoo kung bakit nadarama mong dapat na kayong mag-break. Kung sa tingin mo ay hindi na tama ang paraan ng pakikitungo sa iyo ng boyfriend mo, sabihin ito sa kaniya. Sa halip na manisi, sabihin ang nadarama mo. Halimbawa, sa halip na sabihing, “Lagi mo akong ipinapahiya,” sabihing, “Napapahiya ako kapag . . .”
Makinig ka rin. Baka naman hindi lang kayo nagkaunawaan? Huwag kang padadala sa pambobola, pero maging makatuwiran ka rin naman at isaalang-alang ang lahat ng detalye. Isang katalinuhan na sundin ang payo ng Bibliya sa mga Kristiyano na “maging matulin sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita.”—Santiago 1:19.
Mas marami pang artikulo mula sa seryeng “Young People Ask” ang mababasa sa Web site na www.watchtower.org/ype
[Mga talababa]
Binago ang mga pangalan sa artikulong ito.
Bagaman ang mga impormasyon sa artikulong ito ay iniharap mula sa pananaw at kalagayan ng isang babae, ang mga simulain dito ay kapit din sa mga lalaki.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Gumising!, isyu ng Mayo 2007, pahina 18-20.
PAG-ISIPAN
▪ Isulat sa ibaba ang iniisip mong mahahalagang katangian ng gusto mong maging ka-date. ․․․․․
▪ Anu-anong katangian ang ayaw mo? ․․․․․
[Kahon sa pahina 20]
ANG PIPILIIN MONG MAGING KA-DATE AY DAPAT NA . . .
□ kapananampalataya mo.—1 Corinto 7:39.
□ gumagalang sa iyong mga pamantayan sa moral.—1 Corinto 6:18.
□ makonsiderasyon sa iyo at sa iba.—Filipos 2:4.
□ may mabuting reputasyon.—Filipos 2:20.
[Kahon sa pahina 20]
MAG-ISIP-ISIP KA NA KUNG GANITO ANGBOYFRIEND MO . . .
□ lagi niyang iginigiit na siya ang masunod.
□ lagi ka niyang kinokonsiyensiya at ipinadaramang mahina ang ulo mo o wala kang halaga.
□ inilalayo niya ang loob mo sa iyong mga kaibigan at kapamilya.
□ lagi niyang inaalam kung nasaan ka.
□ pinagbibintangan ka niyang nakikipagligaw-biro gayong wala naman siyang basehan.
□ pinagbabantaan ka niya o binibigyan ng ultimatum.
[Larawan sa pahina 19]
Ang pagwawalang-bahala sa masasamang palatandaan sa isang relasyon ay gaya ng pagwawalang-bahala sa babalang mga signal sa “dashboard” ng iyong sasakyan
CHECK OIL
Comments